Martes, Disyembre 16, 2014

ASIN NG LUPA (Pagaaral sa Talinghaga)

Ano ang Pagiging Asin ng Lupa?

Ano ang kahulugan ng pagiging walang kabuluhan?

Hanapin natin ang sagot sa pagtatanong natin.

(Tagalog Bible: Ang Dating Biblia or Ang Biblia (19) 

Mateo 5.13 Kayo ang asin ng lupa: nguni't kung ang asin ay tumabang, ay ano ang ipagpapaalat? wala nang ano pa mang kabuluhan, kundi upang itapon sa labas at yurakan ng mga tao.

(Tagalog Bible: Ang Dating Bible or Ang Biblia (19) 

Marcos 9.50 Mabuti ang asin: datapuwa't kung tumabang ang asin, ay ano ang inyong ipagpapaalat? Taglayin ninyo sa inyong sarili ang asin, at kayo'y magkaroon ng kapayapaan sa isa't isa.

Ano ang asin na dapat natin taglayin at ano ang pagiging walang kabuluhan?

Ano ang dahilan bakit tumatabang?

Ang asin na dapat taglayin, sa ilan na mga natanungan ko ay ito ang kanilang mga sagot.

Ang pananalita ay magkalasang asin

(Tagalog Bible: Ang Dating Biblia or Ang Biblia (19) 

Colosas 4.6 Ang inyong pananalita nawa'y laging may biyaya, na magkalasang asin, upang inyong maalaman kung ano ang nararapat ninyong isagot sa bawa't isa.

Pananampalataya ang sagot ng isa

(Tagalog Bible: Ang Dating Biblia or Ang Biblia (19) 

Mateo 17.20 At sinabi niya sa kanila, Dahil sa kakauntian ng inyong pananampalataya: sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung magkaroon kayo ng pananampalataya na kasinglaki ng butil ng binhi ng mostasa, ay masasabi ninyo sa bundok na ito, Lumipat ka mula rito hanggang doon; at ito'y lilipat; at sa inyo'y hindi may pangyayari.

Ang sagot ng iba ay mabubuting gawa

(Tagalog Bible: Ang Dating Biblia or Ang Biblia (19) 

Mateo 19.21 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Kung ibig mong maging sakdal, humayo ka, ipagbili mo ang tinatangkilik mo, at ibigay mo sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit: at pumarito ka, sumunod ka sa akin.

Sa mga sagot na ito ay parang may kulang.

Muli tinanong ko ang citas, tinanong ko ang PANGINOON na ipakita ang sagot sa mga katanungan ko.

Ang ipinakitang sagot

(Tagalog Bible: Ang Dating Biblia or Ang Biblia (19) 

1Corinto 13
     1 Kung ako'y magsalita ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel, datapuwa't wala akong pagibig, ay ako'y naging tanso na tumutunog, o batingaw na umaalingawngaw. 
     2 At kung magkaroon ako ng kaloob na panghuhula, at maalaman ko ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng mga kaalaman; at kung magkaroon ako ng buong pananampalataya, na ano pa't mapalipat ko ang mga bundok, datapuwa't wala akong pagibig, ay wala akong kabuluhan. 
     3 At kung ipagkaloob ko ang lahat ng akin mga tinatangkilik upang ipakain sa mga dukha, at kung ibigay ko ang aking katawan upang sunugin, datapuwa't wala akong pagibig, ay walang pakikinabangin sa akin.

Ang sagot na kahulugan ng pagiging walang kabuluhan , at ang Asin na dapat taglayin.

Bakit tumatabang ang Asin?

(Tagalog Bible: Ang Dating Biblia or Ang Biblia (19) 

Mateo 24.12 At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig.

2Timoteo 3
     1 Datapuwa't alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib. 
     2 Sapagka't  ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan, 
     3 Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti, 
    4 Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios;

Huwag hayaang tumabang ang Asin na tinataglay upang tunay na tayo ay maging ASIN NG LUPA.

Suma atin lahat ang Kapayapaan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento