Martes, Nobyembre 18, 2014

Layunin ng Kapatid

Amos 3.7 Tunay na ang Panginoong Dios ay walang gagawin, kundi Kaniyang ihahayag ang Kaniyang lihim sa Kaniyang mga lingkod na mga propeta.

1Timoteo 2.3-4 Ito'y mabuti at nakalulugod sa paningin ng Dios na ating Tagapagligtas; Na Siyang may ibig na ang lahat ng mga tao'y mangaligtas, at mangakaalam ng Katotohanan.

Ang blog na ito ay itinatag upang magkaroon ng malayang pagaaral sa mga kasulatan at matugunan ang mga katanungan ng mga kapatid ukol sa Salita ng Dios na Siyang Buhay. Pagsisikapan ng mga lingkod na matugunan ang mga ito at sama sama natin mangaalam ang Katotohanan ng Dios.


ANG PAGTAWAG NG PANGINOONG DIOS SA ATIN

Isaias 58.16-18
Kayo'y magsilapit sa akin, inyong dinggin ito; mula sa pasimula ay hindi ako nagsalita ng lihim; mula nang panahon na nangyari ito, nandoon nga ako; at ngayo'y sinugo ako ng Pangimoong Dios, at nang Kaniyang Espiritu.
Ganito ang sabi ng Panginoon, ang inyong Manunubos, ng Banal ng Israel. Ako ang Panginoon mong Dios, na nagtuturo sa iyo ng mapapakinabangan, na pumapatnubay sa iyo sa Daan na iyong marapat na lakaran.
Oh kung dininig mo ang aking mga utos ang iyo ngang kapayapaan ay naging parang ilog,at ang iyong Katuwiran ay parang mga alon sa dagat.

Mateo 11.28-30
Magsiparito sa akin, Kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha at kayo'y aking papagpapahingahin.
Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin: sapagka't ako'y maamo at mapagkumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa.
Sapagka't malambot ang aking pamatok at magaan ang aking pasan.

1 komento:

  1. Sa mga kapatid na nakasumpong ng blog na ito ay inaanyayahan namin kayo makipagaral at sama sama natin tunghayan ang Tunay na yaman sa Salita ng DIOS.

    Bukas po para sa lahat at may laya magpahayag ang bawat isa at magtanong ng anoman ukol sa Pananampalataya.

    Maging mabiyaya ang ating paghahanap sa Katotohanan ng aral.

    Ang Kapayapaan ay suma atin lahat mula sa Dakilang Ama sa Pangalan ng Dakilang Anak na si JesuCristo.

    TumugonBurahin