Lunes, Nobyembre 24, 2014

ANG PAGBATI NG MGA KAPATIRAN

Ang kahulugan sa ginagawang pagbati ng mga Servants.

Ang sinomang kapatiran mula sa alinmang Iglesia at Lunduyan ng The Servants of GOD in Christ Jesus na makikibahagi sa pagaaral ng Evangelio ang bungad na pagbati ay ito:

SUMA-ATING MGA ESPIRITU ANG KAPAYAPAAN SA PANGALAN NG DAKILANG DIOS AMA, EL SHADDAI, EL ABBA, ELOAH, YAHWEH, SA PANGALAN NG ATING DAKILANG PANGINOONG JESUCRISTO, EL SHADDAI, EL ADONAI, YESHUA ALLELUIA, ALLELUIA, ALLELUIA.




Ito ay iniutos ng Panginoong JesuCristo

Mateo 10.11-14
At sa alin mang bayan o nayon na inyong pasukin, siyasatin ninyo kung sino roon ang karapatdapat; at magsitahan kayo roon hanggang sa kayo'y magsialis.
At sa pagpasok ninyo sa bahay, ay batiin ninyo ito.
At kung karapatdapat ang bahay, ay dumoon ang inyong kapayapaan: datapuwa't kung hindi karapatdapat, ay maibalik sa inyo ang kapayapaan ninyo.
At sinomang hindi tumanggap sa inyo, ni duminig sa inyong mga pananalita, pagalis ninyo sa bahay o bayang yaon, ay ipagpag ninyo ang alabok ng inyong mga paa.

May pangyayari na magaganap sa lahat na mangakikinig

Lucas 24.45 Nang magkagayo'y binuksan niya ang kanilang mga pagiisip, upang mapagunawa nila ang mga kasulatan.

Gawa 26.18 Upang idilat mo ang kanilang mga mata, upang sila'y mangagbalik sa ilaw mula sa kadiliman at sa kapangyarihan ni Satanas hanggang sa Dios, upang sila'y magsitanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan at ng mga mana sa kasamahan ng mga pinapaging banal sa pamamagitan ng pananampalataya sa akin.

Ang nagsasalita sa pamamagitan ni Pablo ay hindi ang kaniyang sarili at ang pagsampalataya ay hindi kay Pablo kundi doon sa nagsugo sa kaniya.

Ang gawain ng Espiritu ng Katotohanan

Juan 16.12-15
Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo matitiis.
Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng Katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong Katotohanan: sapagkat hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili: kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipapahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating.
Luluwalhatiin niya ako: sapagakat kukuha siya sa nasa akin, at sa inyo'y ipapahayag.
Ang lahat ng mga bagay na nasa Ama ay akin: kaya sinabi ko, na siya'y kukuha sa nasa akin, at sa inyo'y ipahayag.

Kanino ang turo?

Juan 7.16 Sinabi ni Jesus, at sinabi, Ang turo ay hindi sa akin, kundi doon sa nagsugo sa akin.


1 komento:

  1. Isang pagpapaliwanag po ito kung bakit sa ganitong paraan ang pagbati ng mga SERVANTS. Sa Pamamagitan din ng ganitong pagbati ay nakikilala na ang nakikibahagi ay isang kapatiran ng The Servants of GOD in Christ Jesus.

    Hindi po kami kasapi o may anomang kaugnayan sa sa samahang El Shaddai kung may sinomang magtatanong.

    Tulad nga ng ibahagi ng isang kapatid, na una sa kaniya marinig ito sa kaniyang pagmisyon sa mga Lunduyan. Ang sabi ng mga nakakakilala sa kaniya, "Si brother El Shaddai na."

    Sa mga bagong mga kapatiran ito ang paliwanag upang maunawaan bakit ganito ang ginagawa nating pagbati.

    TumugonBurahin