Huwebes, Enero 1, 2015

PANANAMPALATAYA (Mga Citas Ukol sa)

(Tagalog Bible: Ang Dating Biblia or Ang Biblia (19) 
1Corinto 13.13 Datapuwa't ngayo'y nanatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pagasa, at ang pagibig; nguni't ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagibig


Pagtitiwala na mangyayari ang inaasahan  Hebreo 11.1
Katunayan ng mga bagay na hindi nakikita   Hebreo 11.1
Iniuutos   Marcos 11.22; 1Juan 3.23

Ang tampulan nito
   Ang DIOS   Marcos 11.22; Juan 14.1
   Si Cristo   Juan 6.29; 14.1;   Gawa 20.21
   Ang mga sinulat ni Moises   Juan 5.46;   Gawa 24.14
   Ang mga sinulat ng mga propeta   2Cronica 20.20;   Gawa 26.27
   Ang Evangelio   Marcos 1.15
   Ang pangako ng DIOS   Roma 4.21;  Hebreo 11.13


Ang pananampalataya kay Cristo ay
   Kaloob ng DIOS   Roma 12.3; Efeso 2.8;  6.23;   Filipos 1.29
   Gawa ng DIOS   Gawa 11.21;  1Corinto 2.5
   Mahalaga   2Pedro 1.1
   Kabanalbanalan   Judas 20
   Mabunga   1Tesalonica 1.3
   May kalakip na pagsisisi   Marcos 1.15;   Lucas 24.47
   Nagbubunga ng pagbabago   Gawa 11.21

Si Cristo ang may akda at nagpapasakdal sa ating pananampalataya   Hebreo 12.2
Kaloob ng Espiritu Santo   1Corinto 12.9
Sinulat ang mga Kasulatan upang umakay tungo rito   Juan 20.31;   2Timoteo 3.15

Ginagawa ang pangangaral upang umakay tungo rito   Juan 17.20;   Gawa 8.12;   
                                                                                      Roma 10.14-15, 17;   1Corinto 3.5

Sa pamamagitan nito makakamtan ang
   Kapatawaran ng kasalanan   Gawa 10.43;   Roma 3.25
   Pagpapawalang sala.  Gawa 13.39;   Roma 3.21-22,28,30; 5.1;   Galacia 2.16
   Kaligtasan   Marcos 16.16;   Gawa 16.31
   Pagpapabanal   Gawa 15.9; 26.18
   Liwanag na espiritual   Juan 12.36,46
   Buhay espiritual   Juan 20.31;   Galacia 2.20
   Buhay na walang hanggan   Juan 3.15-16; 6.40,47
   Kapahingahan Hebreo 4.3
   Kasakdalan   1Timoteo 1.4;   Judas 20
   Pag-iingat   1Pedro 1.5
   Pagkukupkop   Juan 1.12;   Galacia 3.26
   Paglapit sa DIOS   Roma 5.2;   Efeso 3.12
   Pagmamana sa mga pangako   Galacia 3.22;   Hebreo 6.12
   Kaloob ng Espiritu Santo   Gawa 11.15-17;   Galacia 3.14;   Efeso 1.13

Hindi mabibigyang kaluguran ang DIOS kung wala nito   Hebreo 11.6

Martes, Disyembre 16, 2014

ASIN NG LUPA (Pagaaral sa Talinghaga)

Ano ang Pagiging Asin ng Lupa?

Ano ang kahulugan ng pagiging walang kabuluhan?

Hanapin natin ang sagot sa pagtatanong natin.

(Tagalog Bible: Ang Dating Biblia or Ang Biblia (19) 

Mateo 5.13 Kayo ang asin ng lupa: nguni't kung ang asin ay tumabang, ay ano ang ipagpapaalat? wala nang ano pa mang kabuluhan, kundi upang itapon sa labas at yurakan ng mga tao.

(Tagalog Bible: Ang Dating Bible or Ang Biblia (19) 

Marcos 9.50 Mabuti ang asin: datapuwa't kung tumabang ang asin, ay ano ang inyong ipagpapaalat? Taglayin ninyo sa inyong sarili ang asin, at kayo'y magkaroon ng kapayapaan sa isa't isa.

Ano ang asin na dapat natin taglayin at ano ang pagiging walang kabuluhan?

Ano ang dahilan bakit tumatabang?

Ang asin na dapat taglayin, sa ilan na mga natanungan ko ay ito ang kanilang mga sagot.

Ang pananalita ay magkalasang asin

(Tagalog Bible: Ang Dating Biblia or Ang Biblia (19) 

Colosas 4.6 Ang inyong pananalita nawa'y laging may biyaya, na magkalasang asin, upang inyong maalaman kung ano ang nararapat ninyong isagot sa bawa't isa.

Pananampalataya ang sagot ng isa

(Tagalog Bible: Ang Dating Biblia or Ang Biblia (19) 

Mateo 17.20 At sinabi niya sa kanila, Dahil sa kakauntian ng inyong pananampalataya: sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung magkaroon kayo ng pananampalataya na kasinglaki ng butil ng binhi ng mostasa, ay masasabi ninyo sa bundok na ito, Lumipat ka mula rito hanggang doon; at ito'y lilipat; at sa inyo'y hindi may pangyayari.

Ang sagot ng iba ay mabubuting gawa

(Tagalog Bible: Ang Dating Biblia or Ang Biblia (19) 

Mateo 19.21 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Kung ibig mong maging sakdal, humayo ka, ipagbili mo ang tinatangkilik mo, at ibigay mo sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit: at pumarito ka, sumunod ka sa akin.

Sa mga sagot na ito ay parang may kulang.

Muli tinanong ko ang citas, tinanong ko ang PANGINOON na ipakita ang sagot sa mga katanungan ko.

Ang ipinakitang sagot

(Tagalog Bible: Ang Dating Biblia or Ang Biblia (19) 

1Corinto 13
     1 Kung ako'y magsalita ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel, datapuwa't wala akong pagibig, ay ako'y naging tanso na tumutunog, o batingaw na umaalingawngaw. 
     2 At kung magkaroon ako ng kaloob na panghuhula, at maalaman ko ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng mga kaalaman; at kung magkaroon ako ng buong pananampalataya, na ano pa't mapalipat ko ang mga bundok, datapuwa't wala akong pagibig, ay wala akong kabuluhan. 
     3 At kung ipagkaloob ko ang lahat ng akin mga tinatangkilik upang ipakain sa mga dukha, at kung ibigay ko ang aking katawan upang sunugin, datapuwa't wala akong pagibig, ay walang pakikinabangin sa akin.

Ang sagot na kahulugan ng pagiging walang kabuluhan , at ang Asin na dapat taglayin.

Bakit tumatabang ang Asin?

(Tagalog Bible: Ang Dating Biblia or Ang Biblia (19) 

Mateo 24.12 At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig.

2Timoteo 3
     1 Datapuwa't alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib. 
     2 Sapagka't  ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan, 
     3 Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti, 
    4 Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios;

Huwag hayaang tumabang ang Asin na tinataglay upang tunay na tayo ay maging ASIN NG LUPA.

Suma atin lahat ang Kapayapaan.

ANG PANANAGUTAN NG TAO

MUNTING PALIWANAG UKOL SA CITAS AT KANTA

CITAS
ROMA 14.7 Sapagka't ang sinoman sa atin ay hindi nabubuhay sa kaniyang sarili, at sinoman ay hindi namamatay sa kaniyang sarili.

KANTA
Walang sinoman ang nabubuhay para sa sarili lamang,
Walang sinoman ang namamatay para sa sarili lamang.
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa,
Tayong lahat ay tinipon ng DIOS na makapiling NIYA.


Sa citas at kanta ANG PALIWANAG ay ito

Una ang napopoot sa kapatid

(Tagalog Bible: Ang Dating Biblia or Ang Biblia (19) 
1Juan 3.15 Ang sinomang napopoot sa kaniyang kapatid ay mamamatay-tao: at nalalaman ninyong sinomang mamamatay-tao ay hindi pinananahanan ng buhay na walang hanggan.

Sino ANG PINAPATAY NATIN kapag napopoot sa kapatid? 
Hindi ang kinapopootan na kapatid kundi ANG SARILI. Dahil ikaw ang hindi pinananahanan ng buhay na walang hanggan. Ang PANANAGUTAN sa sarili.

Hindi tayo nabubuhay at namamatay para sa sarili lamang.


ANG PANANAGUTAN natin sa isa't isa

(Tagalog Bible: Ang Dating Biblia or Ang Biblia (19) 
Genesis 4.9 At sinabi ng Panginoon kay Cain, Saan naroon si Abel na iyong kapatid? At sinabi niya, Aywan ko: AKO  BA'Y TAGAPAGBANTAY SA AKING KAPATID?

(Tagalog Bible: Ang Dating Biblia or Ang Biblia (19) 
Ezekiel 3
     17 Anak ng tao, ginawa kitang bantay sa sangbahayan ni Israel: kaya't pakinggan mo ang salita sa aking bibig, at ipanguna mo sa kanila sa ganang akin. 
     18 Pagka aking sinabi sa masama, Ikaw ay walang pagsalang mamamatay; at hindi mo pinagpaunahan siya, o nagsasalita ka man upang hikayatin ang masama mula sa kaniyang masamang lakad, upang iligtas ang kaniyang buhay; ang gayong masamang tao ay mamamatay sa kaniyang kasamaan; nguni't ang kaniyang dugo ay aking sisiyasatin sa iyong kamay. 
     19 Gayon ma'y kung iyong pagpaunahan ang masama, at siya'y hindi humiwalay sa kaniyang kasamaan, o sa kaniyang masamang lakad man, siya'y mamamatay sa kaniyang kasamaan; nguni't iyong iniligtas ang iyong kaluluwa. 
     20 Muli, pagka ang isang taong matuwid ay lumilihis sa kaniyang katuwiran, at gumawa ng kasamaan, at ako'y naglalagay ng katitisuran sa harap niya, siya'y mamamatay; sapagka't hindi mo siya pinagpaunahan, siya'y mamamatay sa kaniyang kasalanan, at ang kaniyang mga matuwid na gawa na kaniyang ginawa ay hindi aalalahanin; nguni't ang kaniyang dugo ay aking sisiyasatin sa iyong kamay. 
     21 Gayon ma'y kung iyong pinagpaunahan ang taong matuwid, upang ang matuwid ay huwag magkasala, at siya'y hindi nagkakasala, siya'y walang pagsalang mabubuhay, sapagka't siya'y nahikayat; at iyong iniligtas ang iyong kaluluwa.

Tayo ay tinipon ng DIOS sa Katawan ni Cristo ang Iglesia

(Tagalog Bible: Ang Dating Biblia or Ang Biblia (19) 
1Corinto 12
     27 Kayo nga ang katawan ni Cristo, at bawa't isa'y samasamang mga sangkap niya. 
     28 At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia, una-una'y mga apostol, ikalawa'y mga propeta, ikatlo'y mga guro, saka mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, mga pamamahala, at iba't ibang mga wika. 
     29 Lahat baga'y mga apostol? lahat baga'y mga propeta? lahat baga'y mga guro? lahat baga'y mga manggagawa ng mga himala? 
     30 May mga kaloob na pagpapagaling baga ang lahat? nangagsasalita baga ang lahat ng mga wika? lahat baga ay nangagpapaliwanag? 
     31 Datapuwa't maningas ninyong nasain, ang lalong dakilang mga kaloob. At itinuturo ko sa inyo ang isang daang kagalinggalingan.

Hindi 100 kundi 1 daan
(Tagalog Bible: Ang Dating Biblia or Ang Biblia (19) 
Juan 14.6 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang DAAN, at ang KATOTOHANAN, at ang BUHAY: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.

Munting paliwanag sa citas at Kanta.

GOD bless 😇




Lunes, Disyembre 8, 2014

PAGBIBIGAY INTERPRETASYON SA EVANGELIO AYON SA KALOOBAN NG DIOS

Suma ating Espiritu ang kapayapaan ng Dakilang Dios Ama El Shaddai, El Abba, Eloah, YAHWEH sa Pangalan ng Dakilang Panginoong JesuCristo El Shaddai, El Adonai, Yeshua Alleluia Alleluia Alleluia

ANG PAGBIBIGAY INTERPRETASYON SA EVANGELIO AYON SA KALOOB NG DIOS AY MAAARING MAHATI SA 7 ANTAS

1. LITERAL - karaniwang ginagamit ng tao sa pagbibigay kahulugan sa Evangelio na ayon sa titik nito na siyang nabasa at binigyang kahulugan. Ito ang pinakamababang antas at madalas na ginagamit sa pagtatalo, sa paghatol sa kapuwa, relihion at kadalasan ay sa pagkakasalaula sa tunay na aral ng DIOS. Kaya nga sinabi ni Apostol Pablo "Ang titik ay pumapatay,  ang Espiritu ay nagbibigay buhay".  Gayon man ang antas na ito ay maitutulad sa balat na walang kabuluhan ngunit bumabalot naman sa tunay na laman ng prutas.

   **   2Corinto 3.6     2Corinto 12.13     Mateo 12.36-37     Roma 1.16; 8.6 at 12     Colosas 2.16     Galacia 5.19-21 **

2. MATERIAL - sumasaklaw sa mga bagay na makamundo o ayon sa kagustuhan ng tao. Ang ganitong uri ay madalas na nag-uudyok  sa tao upang isipin na ang paglapit sa DIOS ay para lamang sa pangangailangan niya at kapakinabangan sa pangangailangang material.

     ** Santiago 1.6; 4.3     Lucas 11.9-10     Filipos 4.19 **

3. DOCTRINAL - kautusan na madalas na ginagamit sa mga salita ng relihion na sa pamamagitan ng Evangelio ay itinatali ang isang tao sa sapilitang pagsunod o kaya'y panatismo (doktrina). Bagaman ang tunay na layunin ay pagaalis sa kalayaan ng iba. Gayon man ito ay may kabutihan din sapagkat sa pamamagitan nito ay nahahatak ang tao sa pagsunod at pagbibigay disiplina.

    ** Mateo 23.13    Santiago 1.26-27 **

4. PHILOSOPHICAL - ito ang bahagi ng pagkaunawa sa aral ng DIOS na nanatiling bahagi ng pagkaunawa ngunit madalas ang uri  na ito ay nasa pagitan ng mataas at mababang antas ng pagkaunawa sa Evangelio.

     ** Colosas 2.8     1Corinto 3.1-3     2Corinto 11.13-14 **

5.  MORAL - ito ang pagkakilala sa Evangelio na ang kahalagahan ay nadadama na o taglay na ng nag-aaral o nagbibigay kahulugan. Ang mga nagaaral ng Evangelio ay bahagi na ng kaniyang ugali, kalooban at espiritu. Bahagi na rin ng pagkatao.

     **  1Timoteo 2.8; 4.13-14     Roma 15.2     1Pedro 1.15-16   2Timoteo 4.5 **

6. MYSTICAL - sa bahaging ito ang aral at kahulugan ay hindi lamang taglay kundi nagkakaroon na rin ng kahayagan o kaganapan sa buhay ng nag-aaral sa Evangelio. Dito nagaganap ang mga himala sa pamamagitan ng pakikinig na may pananampalataya. Gayon man ito ay hindi laging nagaganap.

     **  Mateo 9.20-22     1Corinto 15.1-2 **

7. ESPIRITUAL - sa bahaging ito kung naabot na ay nahahayag ang kasakdalan ng pakikipag isa sa Panginoon. Hindi na ako nabubuhay sa aking sarili kundi ang Panginoon na si Cristo ang nabuhay sa akin ngayon.

     ** Galacia 2.20     Gawa 19.15-16; 5.15-16; 9.40-41; 28.3-6 **

KARAGDAGANG PALIWANAG SA PAGSUSURI NG CITAS

Suma ating Espiritu ang kapayapaan ng Dakilang Dios Ama El Shaddai, El Abba, Eloah, YAHWEH sa Pangalan ng Dakilang Panginoong JesuCristo El Shaddai, El Adonai, Yeshua Alleluia Alleluia Alleluia

KARAGDAGANG PALIWANAG SA PAGSUSURI NG CITAS

1. Ang unang hakbang na kinakailangan ay kilalanin kung alin sa Citas na binabasa ang paguukulan ng pagsusuri. Ang (subject) maging ito man ay isa o  higit pa. 
   Magagamit ang pitong katanungan. Kung sa una ay hindi maging ganap ang pagsusuri  o kaya'y nakadama ng paghihirap ang isip, ay  huwag  sa oras na iyon kundi magpahinga matapos magpasalamat sa Panginoon. Ngunit bago magpahinga ay magiwan ng isang matindi at mataimtim na nasa na maunawaan ang kahulugan ng pinagaaralang Citas. 
   Sa ganito ang Espiritual Mind o Super Conscious ay magsasaliksik o sasangguni sa Espiritu Santo''  (Higher Self) na siya  namang magbibigay kahulugan ayon sa makakaya ng kaisipan ng nagninilay na may katawan.

2. Sakali na dumating na sa anomang pagkakataon at kalagayan sa iyo ang kahulugan ng Citas sa tinangkang maunawaan at tumigil sa anomang ginagawa panandalian at pabayaan bukas ang puso at isipan na tanggapin ang lahat ng dumadating ng walang pagaalinlangan at payapa ang kalooban hanggang matanggap na lahat ang kaalaman na dala o hatid ng Super Conscious at kapag huminto na ang inspirasyon ay  saka suriin o  isaayos ang mga kaisipan o kalooban na natanggap.

SURIIN:  Lucas 12.1-8     Mateo 13.31-32     Roma 3.10-19     Apocalipsis 1-7

Note:

I. Ang mga talinghaga ay ibinigay ng Panginoon upang tukuyin ang naganap. Ang  kalagayan ng damdamin at sa puso  ay magkaroon ng puwang ang Espiritu ng tao na makalaya sa gapos ng kalupaan

II. Dahil  sa lihim  na layunin na ito ang  lihim ng bagay, panahon, tauhan, pangyayari na  ginamit ng Panginoon ay isa lamang simbulo na kumakatawan sa ugali, kaisipan, hiling, layunin ng tao atbp.

III. Ang tunay na pananampalataya ay ang nadamang pagkakilala, pananalig, pagasa at pakikiisa  o pakikibahagi sa sinasampalatayanan

LAYUNIN NG PAGKAKAKILALA NG PANANAMPALATAYA AT KAUTUSAN

Suma ating Espiritu ang kapayapaan ng Dakilang Dios Ama El Shaddai, El Abba, Eloah, YAHWEH sa Pangalan ng Dakilang Panginoong JesuCristo El Shaddai, El Adonai, Yeshua Alleluia Alleluia Alleluia

LAYUNIN NG PAGKAKAKILALA NG PANANAMPALATAYA AT KAUTUSAN

   Ang pagninilay sa pananampalataya ay makapagdaragdag ng mga bagay, kaalaman, at kaunawaan at lakas na ipinagkaloob ng Espiritu Santo sa nagtataglay ng katangiang ito,  tulad ng sinabi ng Panginoon (Ang mayroon ay daragdagan)

   Ang pagninilay naman sa kautusan ay naghahayag ng mga dahilan. Ating pagkukulang laban sa aral ng kautusan at nagiging daan upang makabawas  tayo sa mga ito sa pamamagitan ng pagtitiis at pagsisisi  tulad sa sinabi ng Panginoon ( Ang wala pati ang inaakala niya na nasa kaniya ay aalisin)

PAGTATANONG SA MGA CITAS (Pagsasanay)

Suma ating Espiritu ang kapayapaan ng Dakilang Dios Ama El Shaddai, El Abba, Eloah, YAHWEH sa Pangalan ng Dakilang Panginoong JesuCristo El Shaddai, El Adonai, Yeshua Alleluia Alleluia Alleluia

Pagtatanong sa citas na pinagaaralan
Sino? Ano? Alin? Saan? Kailan? Bakit? Paano?

LIMANG (5) SUSI SA EVANGELIO

1. Ang pagpapahayag ng Evangelio ay kailangang magmula sa puso, paitaas sa isip. Sapagkat ang anomang aral na hindi nagmumula sa pagibig ay dito nagkakaroon ng pagkakaiba ang pananampalataya at kautusan.
   a. Pananampalataya - ang damdamin na binubuo at binibigyan kahulugan ng puso o isip. Nauukol sa Espiritu.
   b. Kautusan - aral na tinanggap ng isip at pilit na ipinagagawa sa puso. Nauukol sa katawang laman.

2. Layunin ng Pagkilala sa Pananampalataya at Kautusan. Ang pagninilay sa pananampalataya ay nakadaragdag ng mga bagay, kaalaman, kaunawaan at lakas na ipinagkakaloob ng Espiritu Santo sa nagtataglay ng katangiang ito. Tulad sa sinasabi ng Panginoon (Ang wala ay aalisan pa pati na ang inaakala na nasa kaniya -Juan16.12-15; Mateo 13.12)

3. Dahil sa lihim na layuning ito, ang lihim na bagay, panahon, tauhan at pangyayari na ginamit ng Panginoon ay isa lamang halimbawa na kumakatawan sa ugali, kaisipan, hilig at layunin ng iba pang tao.

4. Dahil din dito, nagiging kapuna-puna na sa bawat talinghaga kung pagsusunud-sunurin ay makagagawa ng isang tiyak na hamon sa pananampalataya ng tao.

5. Ang tunay na pananampalataya ay ang nadadamang pagkakilala, pananalig, pagasa at pakikiisa o pakikibahagi sa sinasampalatayanan.

Note:
   Ang talinghaga ay ibinigay ng Panginoon upang tukuyin ang nagaganap o ang kalagayan ng espiritu ng tao na nasa tao upang kung ito ay mahayag una sa damdamin at sa puso ay magkaroon ng puwang ang espiritu na nasa tao na makalaya sa gapos ng kalupaan.