Lunes, Disyembre 8, 2014

PAGBIBIGAY INTERPRETASYON SA EVANGELIO AYON SA KALOOBAN NG DIOS

Suma ating Espiritu ang kapayapaan ng Dakilang Dios Ama El Shaddai, El Abba, Eloah, YAHWEH sa Pangalan ng Dakilang Panginoong JesuCristo El Shaddai, El Adonai, Yeshua Alleluia Alleluia Alleluia

ANG PAGBIBIGAY INTERPRETASYON SA EVANGELIO AYON SA KALOOB NG DIOS AY MAAARING MAHATI SA 7 ANTAS

1. LITERAL - karaniwang ginagamit ng tao sa pagbibigay kahulugan sa Evangelio na ayon sa titik nito na siyang nabasa at binigyang kahulugan. Ito ang pinakamababang antas at madalas na ginagamit sa pagtatalo, sa paghatol sa kapuwa, relihion at kadalasan ay sa pagkakasalaula sa tunay na aral ng DIOS. Kaya nga sinabi ni Apostol Pablo "Ang titik ay pumapatay,  ang Espiritu ay nagbibigay buhay".  Gayon man ang antas na ito ay maitutulad sa balat na walang kabuluhan ngunit bumabalot naman sa tunay na laman ng prutas.

   **   2Corinto 3.6     2Corinto 12.13     Mateo 12.36-37     Roma 1.16; 8.6 at 12     Colosas 2.16     Galacia 5.19-21 **

2. MATERIAL - sumasaklaw sa mga bagay na makamundo o ayon sa kagustuhan ng tao. Ang ganitong uri ay madalas na nag-uudyok  sa tao upang isipin na ang paglapit sa DIOS ay para lamang sa pangangailangan niya at kapakinabangan sa pangangailangang material.

     ** Santiago 1.6; 4.3     Lucas 11.9-10     Filipos 4.19 **

3. DOCTRINAL - kautusan na madalas na ginagamit sa mga salita ng relihion na sa pamamagitan ng Evangelio ay itinatali ang isang tao sa sapilitang pagsunod o kaya'y panatismo (doktrina). Bagaman ang tunay na layunin ay pagaalis sa kalayaan ng iba. Gayon man ito ay may kabutihan din sapagkat sa pamamagitan nito ay nahahatak ang tao sa pagsunod at pagbibigay disiplina.

    ** Mateo 23.13    Santiago 1.26-27 **

4. PHILOSOPHICAL - ito ang bahagi ng pagkaunawa sa aral ng DIOS na nanatiling bahagi ng pagkaunawa ngunit madalas ang uri  na ito ay nasa pagitan ng mataas at mababang antas ng pagkaunawa sa Evangelio.

     ** Colosas 2.8     1Corinto 3.1-3     2Corinto 11.13-14 **

5.  MORAL - ito ang pagkakilala sa Evangelio na ang kahalagahan ay nadadama na o taglay na ng nag-aaral o nagbibigay kahulugan. Ang mga nagaaral ng Evangelio ay bahagi na ng kaniyang ugali, kalooban at espiritu. Bahagi na rin ng pagkatao.

     **  1Timoteo 2.8; 4.13-14     Roma 15.2     1Pedro 1.15-16   2Timoteo 4.5 **

6. MYSTICAL - sa bahaging ito ang aral at kahulugan ay hindi lamang taglay kundi nagkakaroon na rin ng kahayagan o kaganapan sa buhay ng nag-aaral sa Evangelio. Dito nagaganap ang mga himala sa pamamagitan ng pakikinig na may pananampalataya. Gayon man ito ay hindi laging nagaganap.

     **  Mateo 9.20-22     1Corinto 15.1-2 **

7. ESPIRITUAL - sa bahaging ito kung naabot na ay nahahayag ang kasakdalan ng pakikipag isa sa Panginoon. Hindi na ako nabubuhay sa aking sarili kundi ang Panginoon na si Cristo ang nabuhay sa akin ngayon.

     ** Galacia 2.20     Gawa 19.15-16; 5.15-16; 9.40-41; 28.3-6 **

1 komento:

  1. Bakit kailangan ang mga ito ay malaman natin.

    Magagamit sa pagsubok at pagsisiyasat

    (Tagalog Bible: Ang Dating Biblia or Ang Biblia (19)
    1Juan 4.1 Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawa't espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila'y sa Dios: sapagka't maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan.

    Ang unang susubukin ay ang sariling espiritu bago ang sa iba.

    Dito malalaman natin sagutin ang mga katanungan ng mga kapatid ayon sa tanong, magagamit ang 7 antas sa pagsagot.

    Dito makikilala natin ang ginagamit ng isang nagpapahayag sa kaniyang pagpapaliwanag at pagbibigay interpretasyon at mauunawaan kung saan siya nanggagaling at magkakaroon ng kapayapaan sa pagunawa.

    Dito malalaman natin kung ang aral na inaaral ay matuwid o sa kamalian. Sa KATOTOHANAN o sa kasinungalingan. Ang pagsangayon o pagtutol. Sa pagsasagawa nito ay hindi matututulan ang KATUWIRAN na nasa iyo.

    Ang layunin ay magkaroon ng kaunawaan at maiwasan ang mga walang kabuluhan na pakikipagtalo sa interpretasyon ng bawat isa ayon sa kalooban ng DIOS.

    (Tagalog Bible: Ang Dating Biblia or Ang Biblia (19)
    Marcos 4.33 At sa pamamagitan ng gayong maraming talinghaga ay sinasaysay niya sa kanila ang salita, AYON SA MAKAKAYA NG KANILANG PAKINIG;

    Sa paggawa ng tinatawag na sharing o pakikibahagi ay aantas ang ating sarili at unawa sa Karunungan.

    (Tagalog Bible: Ang Dating Biblia or Ang Biblia (19)
    Mateo 13.12 Sapagka't sinomang mayroon ay bibigyan, at siya'y magkakaroon ng sagana: nguni't sinomang wala, pati ng nasa kaniya ay aalisin sa kaniya.

    Maging makabuluhan nawa sa atin ang pagaaral na binahagi.

    Kapayapaan ay suma atin.

    TumugonBurahin