Lunes, Disyembre 8, 2014

PAGPAPAHAYAG NG EVANGELIO (Pagsasanay)

Suma ating Espiritu ang kapayapaan ng Dakilang Dios Ama El Shaddai, El Abba, Eloah, YAHWEH sa Pangalan ng Dakilang Panginoong JesuCristo El Shaddai, El Adonai, Yeshua Alleluia Alleluia Alleluia

PAGPAPAHAYAG NG EVANGELIO (PAGSASANAY)

   Pagukulan ng oras na maisagawa ang mga bagay na may pagsasanay sa kilos at damdamin sa pagpapahalaga sa salita ng Panginoon.

Kilos (Action) lahat ng pag-aalay sa Panginoon ay kinakailangan isagawa na may pagkilos at ordinaryong panalangin na may concentration.

Damdamin ng Salita (Delivery of Words) ipaabot ito na may pagpapakumbaba, pagtatapat, pagpapaalala, pagpapaubaya ang iyong sarili sa kabanalan, pagsaway na may kabagsikan, paglalagay ng kapangyarihan sa isip at may pagibig.

Malalim na pagpapahalaga (Deep Appreciation) ay dapat ilagay sa puso, sa isip ng sangkatauhan, kabuluhan na may gawa, damdamin at damhin ang iyong sarili na maging huwaran sa kabanalan ay dapat maging maingat.

KINDS OF GRADE
1. Mental   2. Physical   3. Spiritual

Active Force - Moving Force - maintenance of power and sight.

Practice - Active Exercise - manatili ang isip nakikipagugnayan sa Dakilang Panginoon, kailangan nasa kondisyon ang isip at katawan sa kaparaanan ng sanay na tinuturuan ang sarili. Hindi ang mga tao o hindi tao ang pagpapakitaan kundi ang Panginoon.

7 KATANGIAN NG NAGPAPAHAYAG

1. Ang isang nage-evangelio ay kailanman o kailangan sa kaniyang sarili ibabatay ang anomang aral sa kaniyang nabasa o nauunawaan.
   a. Kung nakita ang anomang aral sikapin mo na mapagtuonan ng iyong isip ipaliwanag mo sa iyong sarili (or meditate on it)
   b. Kung ang anomang aral na maunawaan mo ay talos mo na hindi mo nagawa o wala pa sa iyo magkaroon ka ng mahigpit na pagpuna sa iyong sariling kahinaan.
   c. Kung gagamitin sa pagpapahayag ay maging maingat ka naman sa pagpili ng kahulugan na baka ito ay lumitaw na pagmamapuri para sa iyo.

2. Ang anomang aral na natutuhan mo. Kung nasa iyo na ay sikapin mong isagawa palagi at kung wala pa sa iyo ay sikaping patayin ang damdaming tumututol dito.

3. Huwag kang magpapakabuyo na makipagtalo tungkol sa tamang interpretasyon ng anomang aral sa Evangelio na gaya ng pinagpipilitan ng iba.

4. Magtaglay ng isang malumanay, bukas, ngunit mayroong nagsususing kalooban at isipan sa pakikitungo sa ibang mga sekta.

5. Maging mapanampalataya at hindi mapamahiin.

6. Dapat matiim sa sarili na ikaw ay hindi tao sa laman kundi sa Espiritu ng Dios.

7. Buhayin at palaganapin sa puso ang pagibig sapagkat ikaw ay bahagi ng lahat.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento