Lunes, Disyembre 8, 2014

ANG MGA SAMARITANO AY MGA ISRAELITA DIN

Suma ating Espiritu ang kapayapaan ng Dakilang Dios Ama El Shaddai, El Abba, Eloah, YAHWEH sa Pangalan ng Dakilang Panginoong JesuCristo El Shaddai, El Adonai, Yeshua Alleluia Alleluia Alleluia

ANG MGA SAMARITANO AY MGA ISRAELITA DIN

Alam po ba ninyo na ang mga SAMARITANO na nasa BIBLIA ay mga Israelita din, sila ay mga anak ng mga ISRAELITA sa panahon ng pagkadalang bihag sa Babilonia.

(Tagalog Bible: Ang Dating Biblia or Ang Biblia (19) 
Mateo 1.17 Sa makatuwid ang lahat ng mga salit-saling lahi buhat kay Abraham hanggang kay David ay labingapat na salit-saling lahi; at buhat kay David hanggang sa pagdalang-bihag sa Babilonia ay labingapat na sali't-saling lahi; at buhat sa pagkadalang-bihag sa Babilonia hanggang kay Cristo ay labingapat na sali't-saling lahi.


(Tagalog Bible: Ang Dating Biblia or Ang Biblia (19) 
Ezra 4
     1 Nang mabalitaan nga ng mga kaaway ng Juda at Benjamin na ANG MGA ANAK SA PAGKABIHAG ay nangagtatayo ng templo na ukol sa Panginoon, sa Dios ng Israel; 
     2 Nagsilapit nga sila kay Zorobabel, at sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, at nangagsabi sa kanila, Papagtayuin ninyo kami na kasama ninyo: sapagka't aming hinahanap ang inyong Dios, na gaya ng inyong ginagawa; at kami ay nangaghahain sa kaniya mula ng mga kaarawan ni Esar-haddon na hari sa Asiria, na nagahon sa amin dito.
     3 Nguni't si Zorobabel, at si Jesua, at ang nalabi sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Israel, ay nangagsabi sa kanila, Kayo'y walang ipakikialam sa amin sa pagtatayo ng isang bahay na ukol sa aming Dios; kundi kami rin na magkakasama ay aming ipagtatayo ang Panginoon, ang Dios ng Israel, gaya ng iniutos sa amin ni Ciro na hari sa Persia, 
     4 Nang magkagayo'y pinahina ng bayan ng lupain ang mga kamay ng bayan ng Juda, at BINABAGABAG SILA SA PAGTATAYO.



Ito ang isang dahilan kung bakit hindi nakikipagusap ang mga JUDIO sa mga SAMARITANO, dahil sa pagtatayo ng templo natatagalan sila dahil sa mga ito.



(Tagalog Bible: Ang Dating Biblia or Ang Biblia (19) 
Juan 4.9 Sinabi nga sa kaniya ng babaing Samaritana, Paano ngang ikaw, na isang Judio, ay humingi ng maiinom sa akin, na ako'y babaing Samaritana? (Sapagka't HINDI NANGAKIKIPAGUSAP ang mga Judio sa mga Samaritano.)

Kaya sila sumasamba sa nasa bundok at hindi sa Jerusalem. Dahil di sila tinanggap o binigyan bahagi sa templo sa Jerusalem ng maitayo ito.

(Tagalog Bible: Ang Dating Biblia or Ang Biblia (19) 
Juan 4
     20 Nagsisamba ang aming mga magulang sa bundok na ito; at sinasabi ninyo, na sa Jerusalem ay siyang dakong kinakailangang pagsambahan ng mga tao. 
     21 Sa kaniya'y sinabi ni Jesus, Babae, paniwalaan mo ako, na dumarating ang oras, na kahit sa bundok na ito, ni sa Jerusalem, ay hindi ninyo sasambahin ang Ama.

Ito rin ang dahilan hinihintay nila ang MESIAS dahil sa mga Israelita rin sila.

(Tagalog Bible: Ang Dating Biblia or Ang Biblia (19) 
Juan 4.25 Sinabi sa kaniya ng babae, NALALAMAN KO NA PARIRITO ANG MESIAS, (ang tinatawag na Cristo): na pagparito niya, ay ipahahayag niya sa amin ang lahat ng mga bagay.

Nagmula rin sila kay Jacob (Israel)

(Tagalog Bible: Ang Dating Biblia or Ang Biblia (19) 
Juan 4
     3 Nilisan niya ang Judea, at naparoong muli sa Galilea. 
     4 At kinakailangang magdaan siya sa Samaria. 
     5 Sumapit nga siya sa isang bayan ng Samaria, na tinatawag na Sicar, malapit sa bahagi ng lupang ibinigay ni JACOB kay Jose na kaniyang anak: 
     6 At naroon ang BALON NI JACOB. Si Jesus nga, nang napapagod na sa kaniyang paglalakbay, ay naupong gayon sa tabi ng balon. Magiikaanim na nga ang oras.
    12 Dakila ka pa baga sa AMING AMANG SI JACOB, na sa ami'y nagbigay ng balon, at dito'y uminom siya, at ang kaniyang mga anak, at ang kaniyang mga hayop?


Ito ang dahilan sa Talinghaga ng MABUTING SAMARITANO na ipinahayag Niya sa mga Judio, upang papagkasunduin ang dalawang magkapatid na hindi naguusap.
(Lucas 10.29-37 ang Mabuting Samaritano)


Sa sampu na pinagaling ni Jesus mula sa ketong isa lang ang bumalik at isang Samaritano pa. (Lucas 17.12-19 ang Sampung Ketongin)

Ang dahilan ay hindi siya tatanggapin sa templo at papansinin ng mga Saserdote dahil sa kaugalian di nakikipagusap sa mga Samaritano ang mga Judio. Kaya kay JesuCristo siya bumalik.

Ito ang mga dahilan at Katuwiran ng mga nababasa natin.

May aral
Sino ang iyong kapuwa?
Sino ang iyong kapatid na di kinakausap dahil may alitan o tampuhan?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento